My favorite romantic pinoy movie dialogue lines

Jolina Magdangal and Marvin Agustin in “Labs kita, Okey ka lang?”Marvin: Ano bang nangyayari sa iyo??

Jolina: Wala kang pakialam!

Marvin: Hindi na kita maintindihan eh!

Jolina: Kailan mo ba ko inintindi!

Marvin: Diretsuhin mo nga ako! Dahil hindi ko kayang basahin kung anong nandyan sa utak mo. Kung galit ka sabihin mo sa akin, sabihin mo sa akin kung bakit! Kung nasasaktan kita sampalin mo ako! Sige, gantihan mo ako! Matatanggap ko lahat dahil kaibigan mo ko eh …

Jolina: Yes kaibigan mo ko … kaibigan mo LANG ako … And that’s all I ever was to you Ned – you’re best friend. Takbuhan mo kapag may problema ka … Taga-sunod … Taga-bigay ng advice … Taga-enroll … Taga-gawa ng assignment … Taga-pagpatawa sa iyo kapag nalulungkot ka … Taga-tanggap ng kahit na ano … And I’m so stupid for making the biggest mistake of falling in love with my best friend … Dahil kahit kailan hindi mo naman ako makikita eh … Kahit kailan hindi mo ako kayang mahalin na higit pa sa isang kaibigan …

Marvin: Bujoy … Bujoy …

Jolina: Ngayong alam mo na, I think you can get out of my life!

Marvin: Bujoy mahal kita! Mahal kita Bujoy! Mahal na mahal kita kaya siguro duwag ako … Kung magka relasyon tayo, paano kung masaktan kita. Baka yung Bujoy na kaibigan ko mawala pa … Bujoy hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko …

Toni Gonzaga and Sam Milby in “You Are the One”

Sam: About what happened …

Toni: You don’t have to explain it’s ok, hindi ba sabi mo hindi mo ako girlfriend? Wag ka na magpaliwanag.

Sam: It’s just that, I couldn’t even begin to explain how…it’s awful…and alam mo naman na I was going through a lot at the time … It’s just too bad you had to get hurt …

Toni: Oo nga eh, malas ko.

Sam: Sally … it’s just that, hindi mo alam what its like na you feel like your missing parts of yourself, that you’re an incomplete person and you don’t know who you are … Sally ano ba! What do I have to do to be forgiven??

Toni: Maging baboy ka? Ewan!

Sam: You’re not even listening! I don’t have a heart that can love Sally! Nawala when my parents gave me away, I’m not even sure kung mahahanap ko pa …

Toni: Wala kang puso? Huh?? Hindi mo mahanap? Meron kang puso Will. Broken oo, pero hindi missing.

John Lloyd Cruz and Bea Alonzo in “Close to you”

Bea: Ang sabihin mo duwag ka lang! Di ka lang insecure, duwag ka pa!

John Lloyd: Oo na, duwag na kung duwag!

Bea: Talaga! Dahil kung mahal mo ako, dapat ipaglaban mo ko!

John Lloyd: Bakit, kung sinabi ko ba sa iyo dating mahal kita noon, sasabihin mo rin sa aking I love you to??

Bea: Oo!! … Siguro … Hindi ko alam …. Ewan ko ….Naguguluhan ako eh, feeling ko kasi, feeling ko mahal kita higit pa sa isang kaibigan …

John Lloyd: Gustong gusto kitang yakapin …Gustong gusto kitang halikan … Gusto ko maging tayo … Maging akin ka … pero dahil matalik mo akong kaibigan, gusto kong mag-isip kang mabuti … Kung yan na ngayon … Dahil baka naguguluhan ka lang … Natatakot ka dahil bago pa lang kayo ni Lance … At kahit na alam ko na dahil binibigyan kita ng panahon para makapag-isip posibleng ma-realize mo na hindi pala ako ang pipiliin mo … Ganito pa rin ang sasabihin ko sayo ,.. Ganito pa rin Marian …

Kristine Hermosa and Jericho Rosales in “Ngayong nandito ka”

Jericho: Alam mo namang nasasaktan ako pag umiiyak ka eh …

Kristine: Hindi lang kasi ako makapaniwala eh … Na ngayong narito ka …

Jericho: Hinding hindi na tayo magkakahiwalay ulit …

John Lloyd Cruz and Bea Alonzo in “One More Chance”

John Lloyd: Eh ano nga kasi ang problema??

Bea: Gusto mo ba talagang malaman? Ako! ako yung problema! Kasi nasasaktan ako kahit di naman ako dapat nasasaktan … Sana kaya ko nang tiisin yung sa akin na nararamdaman ko, kasi ako namili nito diba? Ako yung may gusto … Sana kaya ko nang sabihin sa iyo na masaya ako para sa iyo, para sa inyo … Sana kaya ko … Sana kaya ko, pero hindi eh … Sama sama kong tao kasi ang totoo, umaasa pa rin ako sa piling mo … Sana ako pa rin …Ako na lang … Ako na lang ulit …

John Lloyd: Mahal ko si Trisha …

Bea: Alam ko, alam ko …

John Lloyd: She had me at my worst … you had me at my best … at binalewala mo lang lahat yun …

Bea: Popoy yun ba talaga ang tingin mo? I just made a choice.

John Lloyd: And you chose to break my heart.

Aga Muhlach and Sharon Cuneta in “Kung Ako Na Lang Sana”

Aga: Did I ever tell you how much I love you?

Sharon: Yah, the last time we talked you said you loved me … as a friend.

Aga: But did I ever tell you na talagang mahal na mahal kita? …Once noh, sinubukan kong sabihin sa iyo, wow, man tsope ako nun! Dahil alam kong masusupalpal ako kasi magaling ka diyan eh!

Sharon: Bakit naman kita susupalpalin?

Aga: Well now I’m telling you …

Rico Yan and Claudine Barretto in “Got To Believe In Magic”

Rico: Toni sandali lang … Toni please pag-usapan natin ito …

Claudine: Pinuntahan kita sa bahay mo, linunok ko ang pride ko, tinanong kita – bakit ngayon lang?

Rico: Eh para akong mukhang tanga eh, naisip ko … anong mukha ang ihaharap ko sa inyo ni Perry …

Claudine: Huwag mo ako bigyan ng ka-bulshitang sagot! Marami akong trabaho inuubos mo ang oras ko! The least I expect, bigyan mo ko ng sagot ng hindi galing diyan kundi galing dito!

Rico: Na gago ako? Na duwag ako?

Claudine: Bakit?

Rico: Because its true … Toni, I almost lost you … Dahil gago ako at duwag … Natakot akong mahalin ka …

Claudine: At ngayon?

Rico: Ngayon mas natatakot akong mawala ka …

Claudine: Bakit mo ko mahal?

Rico: Hindi ko alam …

Claudine: Hindi mo alam??

Rico: Hindi ko alam, it just hit me! I didn’t even believe in forever Toni … but I think I found forever in you … Toni hindi ko pinagpipilitan ang sarili ko sa iyo ok? huwag mong isipin yun … Gusto ko lang malaman mo … Gusto ko lang malaman mo na mahal kita … And I’m so sorry.

Claudine: You never say sorry for loving someone … You never say sorry for loving me …

2 thoughts on “My favorite romantic pinoy movie dialogue lines

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s