Bob ong “advice”

Dear Mr. Bob Ong,
Matagal ko na pong nililigawan itong ramp model na stage actress na nakilala ko recently sa isang party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.
Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba siya ng tula ? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita?
In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she the one?
Lubos na gumagalang,
– Bartolome –


(ang sagot…)

Dear Bartolome,
Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. Nagtaas na ang gasolina, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe, at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi na uubra yang siopao at kalachuci mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Ano’ng era ka ba pinanganak?
Pero don’t worry. It’s not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa’yo, daanin mo sa utak at creativity. Dahil aminin na natin, iyon na lang talaga ang pag-asa mo. Heto, bibigyan kita ng mga simple, tried and tested na mga regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo ‘to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa’yo. Mga medyo more than your usual regalong panligaw:
1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box—yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.Later during the day, pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na “Omega 8.” Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: “because you’re good for my heart.”
2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo: “I miss hanging out with you.”
3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, “Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.”
4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung “with Omega 8.” Hindi na siya magtatanong kung bakit.
5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo, “natunaw na kakatitig sa’yo.”
6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: “Walang kulay ang buhay kung wala ka.”
7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit.
8. Itext mo siya ng: “Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!”
9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo “para pag nagkabanggaan ang puso natin.”
10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: “Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa’kin.”
11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: “aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko.”
12. Pagkatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin, “ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo.”
13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng “salbabida”, wag payong, o mainit na mami. Pag nagtanong bakit? ang isagot mo ay “ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko.”
14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na “don’t leave your valuables unattended.”
Handang tumulong lagi,

– Bob Ong –

>>just repost this ang cute kasi!  ^ _ ^

17 thoughts on “Bob ong “advice”

    • GRASYA: I don’t really understand your que. BUt i think if you already commited to someone be contedted , if you like another one its ok but make it sure na paghanga lang tlga yung nararamdaman mo for him at hindi na mag bo-bloom. tc

    • ELLECIHM: Sorry! gaya nga ng sinabi ko i just repost this message at d ko lam kung anong email nya.. pero try mo bumili ng book maybe it will help you.. tc

  1. au.. panU q po ba makukuha ung loob ng taong crush q…

    natatkot kz aq na maging kami dhiL karamihan sa mga kaibigan q naging Gf nya..

    • REGINE: hehe crush mo pa lang aman yun bakit inisip mo n magiging kayo eh d ka papala nya napapansin.. joke… anyway di mo kailangan mag papansin sakanya as long as kilala ka na niya di mo nakilangan kumain ng apoy sa harap para lng mag papansin, if he interested siya mismo gagawa ng way para mapansin mo siya. tsaka mo problemahin yung about sa mg X’s nya.. hehe tc

  2. dear bob ong,
    ngbreak kme ng gf ko at hanggang naun umaasa prin akong babalik xa.. almost 8 years n kme mgksama png 9th n sana sa ngaun dec 22 kso naudlot.. tnong ko lng kung mgkakabalikan p kme ng gf ko kc hanggng naun di ko prin xa mkalimutan… ung pinalit nya skin my anak n at hiwalay sa asawa.. sbi nya mhal n daw nya un huhu.. bkit ganon?! for almost 8 years bigla nlng ngkaganon..

    • LLOYD: HIndi po ako si bob ong. Pero i’m willing to give an advice, nasa X-GF mo kung magkakabalikan pa k u, pero if i were u di na ko aasa na my balikang mangyayari kasi like wat u said your X was in love on her present BF kaya there is no reason para magkabalikan kayo. wag mong panghinyangan yung tagal ng relasyon nyo dapat nga thankful ka pa kasi di pa kayo kasal nong hiwalayan ka nya mas mas masasaktan ka kung kayo pa rin pero iba naman yung mahal nya, di mo cia makakalimutan tlaga kasi naging part siya ng buhay mo. all you have to do now is wait for the time na kusang mag heal yung wound na ginwa ng X mo. wag ka masayado magmadali mag move on it takes time,. sabi nga nila the more you try to forget someone the more you will think for it.i hope that will help you… TC and gudluck!

    • the first thing you do is think why you love him, what is the reason of falling in love with a playboy. If you didn’t found the answer then you should answered it in your own. You love him because that is him no words can describe the feelings you had right now. If he also in love with you then he will never look for another one. there is nothing to worry about. just enjoy the feeling of being in love! good luck! ^ _ ^

  3. anu gagawin ko pag nagalit GF ko skin? nag sasawa na daw siya lagi sa mga ginagawa kong pag papasaway.
    wala na daw 3rd, 4th. at 5 chances? anu po gagawin ko?

    • hmm…nasaktan mo siya ng sobra kaya nagalit siya, pero kung willing kang gawin lahat just to win the 3rd, 4th, 5th or even 10th then do it, kahit ilan beses ka pa niyang ipagtabuyan go ka pa din take all the consequences of wat you’ve than to her, at kapag napatwad ka niya show her na tlgang you mean everything just to win those chances at sana wag mu abusuhin, kasi even if she loves you time will also come na susuko siya sa pain na nararamdaman niya kung paulit-ulit lang ang ngyayari..

  4. hi po…may nakilala akon isang guy sa senehan malungkot ako nun mag isa akong nanuod ng movie at ganun din sya “prince of persia” ang movie na pinanuod nmin nung matatapos na movie hingi nya number ko binigay ko naman kasi naghahanap din ako ng kausap ng oras na yun kasi broken hearted ako that time…after ng movie nagmadali akong lumabas ng senehan ewan parang may tinatakasan ako na dko alam…after a minute nagtxt sya sakin.”ang bilis mo naman nawala” ang sabi nya.Yayain daw sana nya ko kumain pero tumanggi ako..Mula nun araw araw na kami magkatext niligawan nya ako sinagot ko naman agad sya kasi gusto kung kalimutan yung past relationship ko..Nung naging kami na gusto nya araw araw kaming lumalabas pero dko maibigay sakanya ang time na gusto nya kasi may work din ako…hindi nya raw maramdaman na mahal ko sya sabagay kahit ako dko alam kung talagang mahal ko sya litong lito ako sa nararamdaman ko sya..then one time may isang bagay sya na hingi sakin binigay ko yun kasi takot ako na mawala sya sakin kasi sabi nya mag break na raw kami pag dko pinatunayan na mahal ko sya….after that night ewan parang sumabog puso ko kasi nakipagbreak pa din sya sakin wala ko magawa kundi umiyak…..nagtetext ako sakanya pero dina sya nagtetext sakin ibig sabihin ba nun kinalimiutan nya na talaga ako??? minahala din kaya ang ng taong yun??? narealize ko na subrang mahal ko na sya nung iniwan nya din ako…sabi sakin nung guy kasalan ko rin dw kung bakit iniwan nya ko kasi di nya maramdaman na mahal ko sya pero bakit kinailnagna pa me mangyari samin…huhuuhu until now diko sya makalimutan ano dapat ko gawin?

    • You will never forget the person whos being part of your life, even if he brought u pain… all you have to do is unloved him… learn to move forward, use the pain you have right now and be strong! everything is gonna be alright, magiging mahirap at masakit but hopefully all the pain will be worth it! just smile kaya mo yan wag mong iiisipin yung negative!be xcited na magmahal ulet… go girl! kaya mo yan… ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s