jason story

November 21, 2002. habang nahihimbing akong natutulog sa aking kwarto bigla na lamang tumunog ang aking cellphone, khit sobrang antok na ay tinignan ko parin kung sino ang nag txt sa akin. Ibang number ang lumabas hindi ko siya kilala, nang basahin ko ang mensahe laking inis ko ng isang taong walang magawa lamang ang nang iistorbo. Gusto daw niya makipag textmate. Aba! In the middle of the night syempre nakakaasar gusto ko mang patayin ang cellphone ko para wlang nang iistorbo sa aking pagtulog ay di ko magawa dahil baka tumawag ang aking ina.

November 22, 2002. muli nanaman siyang nang istorbo sa akin sa dis-oras ng gabi. Sunod-sunod ang pag tunog ng phone ko sa sobrang inis ko sakanya nireplyan ko siya kung ano ba ang problema niya, isang malambing na mensahe naman ang aking natanggap, ang sabi niya “Please reply to this message and be an angel and save me from the a beast of emptiness.” Sinopladuhan ko siya tinanong ko kung kilala ko ba siya. At ito ang kanyang isinagot “Nope you don’t know this lonely soul know that she know you but I want you to be my friend I’m Helena Servantes and you?” hindi ko namalayan na nag reply ako sa message niyang yon at sinabi ang aking pangalan. Hindi ko na napansin ang oras. Natapos lang kaming mag txt nang tumunog ang alarm clock ko nang pasado ala-singko na.

December 8, 2002. Consistent textmate parin kami hindi lamang friendship ang nabuo dahil sa mga messages na iyon kundi pati ang special feelings ko for her. At batid ko ganon din siya sa akin. Hindi kumpleto ang araw ko pag wala akong sweet quotes na natatanggap mula sa kanya. Subalit hindi pa rin kami nabibigyan ng pagkakataong magkita ng personal. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito sapagkat ito ang unang beses na marinig ko ang mala anghel niyang tinig. Saglit lang kaming nakapag-usap sapagkat nagmamadali siyang ibaba ang telepono kasabay nito ay hiniling niya sa akin na wag na wag ko na siyang tatawagan mas mabuti raw na mag usap na lang kami through txt.

December 16, 2002. Nakakapagtakang malapit nang matapos ang araw ayl hindi pa rin siya nag t-txt. Inisip ko na lang na baka nawalan lang siya ng load. Kinakabahan ako sa hindi malaman na dahilan ganon pa man patuloy pa rin akong nag papadala ng messages sa kanya.

December 18, 2002. laking tuwa ko nang Makita ang pangalan niya sa cellphone ko, napakalungkot naman ng message niya at ang sabi niya “Sometimes goodbye is a painfull way to say I LOVE YOU.”napaisip ako kung bakit siya nag send sa akin ng ganon. I’m searching for an answer but I found nothing. Hindi na siya nag txt pa sa akin.

December 24, 20002. Sobrang miss ko na si Helena and I feel so miserable and seem that she took the light out of me just a day before Christmas my cell beep and it was her. Natuwa ako sa txt niya she said she want it to meet me in the café 10 am today. Nagmadali akong mag handa para makipagkita. At arrived at the café 10 mins. Earlier and to my surprise andun na siya. She was very beautiful napaka pungay ng kanyang mata na nangungusap ang matangis niyang ilong, maliliit na mapupulang labi. Grabe sobrang ganda niya. Subalit kapansin-pansin ang pagiging malungkot niya. Sandali lang kaming nagka-usap at nagmamadali na siyang nag paalam sakin. Iniwan niya ang kapirasong papel na may naka sulat, sabi niya doon ko siya puntahan.

December 25, 2002. araw ng kapaskohan, excited akong makita muli ang aking malambing na anghel. Tinungo ko ang magarang subdivision kung saan siya nakatira. Tinawagan ng gwardiya ang may ari ng bahay na pakay ko sinundo ako sa gate ng subdivision ng mommy ni Helena. Habang papalapit sa kanilang tahanan nakaramdam ako ng matinding kaba nababalut ng liwanag ang lugar na yon. Sinamahn ako ni mrs servantes hanggang mkalapit ako sa may sala. Laking gulat ko na lamang ng makita ko ang babaeng nakatagpo ko kahapon na nakaratay sa magandang kabaon na napapalibutan ng pink roses na paborito ng aking magandng anghel. Nilapitan ako ng magulang ni Helena at sinabing madalas akong ma e-kwento ng kanilang anak hiniling daw ni Helena na wag na akong istorbuhin pa dahil panigurading dadating ako sa huling araw ng burol niya. Nais niya ring katabi ang cellphone niya sa loob ng coffin para patuloy pa din daw siyang makakatanggap ng messages mula sa akin. Kinikilabutan man nais ko pa rin siyang makausap. Nalaman kong she is suffering for a heart disease and pass away 3 days ago. T-nxt ko siya na MAHAL NA MAHAL ko siya kahit hindi na kami nagkasama ng personal, I never expected a reply. Yet my phone beep the sender’s number did not appeared, tuluyan ng tumulo ang luha ko habng binbasa ang mensaheng mula sa kanya she said. “Let go of the hand of the person you love, but don’t let go of god’s hand for if you hold to his hand you maybe holding the person you love and the other hand to let you hold each other again.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s